Sa skwelahan ng BCAGA, may isang estudyanteng ang pangalan ay Leslie; napakatalino, may tito na sobrang bata at may gusto sya kay Nathan. Unang pag-uusap nya sa gangster na first love, maling impresyon na ang pinakita nya. May lihim sya at ito ay : mukha syang lalaki kung maikli ang buhok nya. Isang hapon, habang umuulan, isang nakakagulat na pagtatapat ang natanggap nya.. May gusto ang mortal nyang kalaban sa pag-aaral sa kanya ..
Ikaapat na kabanata
Gusto Rin Kita
Leslie: Achooo! (bumahing sa panyo) Achooo!
Rick:
Ano ba yan?! Kung bumahing ka parang hindi ka babae..Leslie: (nanlisik ang mata)
So ano ako sa'yo?! Ha?!Rick: (napalunok) Ha? Eh? D-dyosa! Hehe..
(pabulong) ng kagwapuhan.. 
Leslie: May sinabi ka?!

Rick: Wala po!
(kinuha ang gamot at tubig) O! Heto! Inumin mo yan.. 
Leslie: Achooo! * sniff * Salamat..

Rick: (nandidiri)
Baka mahawa ako sa'yo! (tumingin sa orasan) Buti wala kayong exams ngayon.. Kung di ka makaka-take nun, siguradong maaabutan ka nung.. Jeanie..Jane.. Ah! Jennifer! 
Leslie: (nanlaki ang mata at naalala ang nangyari kahapon)
Aaaaa.. (mahinang sigaw)Rick: Ano ba yun? Sigaw ba yun?!

Leslie: Panu ako makakasigaw sa sitwasyon ko ngayon?! Achooo!

Rick: Wag kang mag-aalala.. (hinawakan ang ulo ng pamangkin) Di ka maaabutan nun!

Leslie: (sa isip) Hindi yan ang problema ko..

Rick: Sige na! Mahuhuli na ako! Kasalanan mo talaga kung ma-late ako!

Leslie: (napabukas ang bibig)
Wow! Ang bait mo talaga tito! (sa isip) 'Kala ko pa naman concern sya! 
Rick: You're welcome!
(umalis na sa kwarto ni Leslie)Leslie: Hindi naman ako nagpasalamat! (napaisip) Hay! Nagbibiro lang sya, di ba? (tumawa bigla)
Kahit mahaba na ang buhok ko at nakasuot na ako ng skirt (umiyak)
lalaki pa rin talaga ako..-
Rick: (binuksan ang pinto sa kwarto ni Leslie) T-t-tulong..
Leslie: (kakagising palang) Ha? S-sino?
(nakita ang tito na kakaiba ang kinikilos) Aaaa.. (mahinang sigaw)Chrissie: (niyayakap si Rick) Sigaw ba yun?

Leslie: Chrissie? B-bakit?

Monique: (pumasok) Leslie! (alalang-alala) Okey ka na ba? May lagnat ka pa rin ba?

Leslie: O-okey lang ako.. Bakit kayo nandito?
Juana: (pumasok) Leslie!! (niyakap si Leslie) Sobra ang pag-aalala ko!
Leslie: S-salama..

Juana: 'Kala ko wala ng gagawa ng assigments ko! Wag mo kong iwan Les!

Leslie: (sa isip) Masaya na sana ako kung hindi mo na yun sinabi..

Rick: (pinipilit na ilayo si Chrissie at kinausap ang nakayakap) Ah! Pwede mo na akong bitawan.. Hehe..
Chrissie: A-YO-KO.. At isa pa..
Ikaw ang future husband ko!! Di ba sabi ko sa sulat na pakakasal na tayo..Rick: HA?!

Jean: (pumasok na may masamang aura na nakapaligid) Pakakasal?

Chirssie: Oo! Wala ka nang magagawa dun!
![;]](http://friendstertalk.com/img/smilies/slywink.gif)
Rick: Teka, anong sinasabi mo?!

Chrissie: (nakabitaw sa pagkakayap nya kay Rick) Hindi mo..
yung sulat.. (hinarap si Leslie) Di mo bingay?! 
Leslie: (tinignan ang tito na parang humihingi ng tulong) Kailangan ko ata ng TISSUE!! Di ba? TISSUE?!! (kinagat ang labi) [refer to Tsapter Tuu]
Rick: Tissue?!
(napaisip) Ah! Tissue?!
(hinarap si Chrissie)
Natanggap ko yun pero..Jean: (nawala ang masamang aura at lumabas ang malungkot na aura)
Ibig.. Ibig sabihin.. Magpapakasal talaga kayo..
(tinignan ang nakangiting si Chrissie at umalis)Rick: Ha?! Hindi!
(bumalik si Jean na tuwang-tuwa)

Chrissie: (nagulat) Hindi?!

Rick: (napalunok)
H-hindi.. Hindi.. Hindi ba nandito tayo para alagaan si Leslie! Hehe..
(pinagpapawisan)Monique: Oo nga pala, Leslie! May isa ka pang bisita!

Leslie: Ha?!

(pumasok si Jennifer at nanlaki ang mata ni Leslie)
Jennifer: Kumusta ka na Leslie..? (sa ibang kaklase) Maaari ko bang maka-usap si Leslie nang pribado?
(nagtinginan sila at dahang-dahang umalis)
-
Leslie: N-na-nakaalis na sila (pinagpapawisan)

Jennifer: (lumuhod) SORRY!

Leslie: Ha?! Teka.. Anong ginagawa mo?!

Jennifer: Ako ang may kasalanan kaya ka nagkasakit!

Leslie: H-hindi.. Okey lang yun.. At isa pa.. Magaling na ako!

Jennifer: At kahapon.. Siguro.. Nag-aalala ka tungkol kahapon..

(natahimik ang dalawa)
Leslie: (ngumiti)
Wala yun! Maganda nga yun, di ba?! M-may nagkakagusto pala sa akin.. (napabuntong-hininga) Pero.. Nagustuhan mo ba ako kasi.. Mukha akong.. 
Lalaki (sa isip) Hindi ako makapaniwalang sinasabi ko to! 
Jennifer: (napatulala at biglang tumawa)
Nung una.. Nasabi ko sa sarili ko na ang gwapo mo para maging babae.. 
Leslie: (sa isip) Ahaha.. Gwapo daw, sabi nya.. Maging kalmado ka lang Leslie.. Isa syang babae.. (nagtitimpi ng pikon)

Jennifer: Pero.. (napangiti)
Nung nakita ko ang totoong Leslie.. Yung Leslie sa likod ng mukha nya.. Sabi ko sa sarili ko na.. Gusto ko syang maging kaibigan.. Ang bait mo kasi.. Alam kong may gusto kang lalaki sa kabilang school.. Pero imbes na pumunta sa kanya.. Tinutulungan mo ang mga kaklase natin.. Ngunit..
(sumimangot) Kalaban kita sa pag-aaral.. Hindi ako makalapit kasi.. Baka tingin mo sa akin ay kalaban..Leslie: (sobrang tuwa)
Nagbibiro ka ba? (niyakap si Jennifer) Ang saya ko ngayon! Akala ko tulad ka sa ibang mga babae na gusto ako.. 
Jennifer: (ngumiti ulit)
Totoong nahumaling ako nung una kitang makita pero.. (natawa)
Ang ibig kong sabihin kahapon ay gusto kitang maging kaibigan..Leslie: (umiyak) S-salamat! Salamat! Gusto rin kita!

Jennifer: Kaibigan na ba tayo?

Leslie: Oo naman!!

(nahulog sila Chrissie, Monique, Juana, Jean at Rick mula sa pintuan)
Monique: (tumayo agad) Wala kaming narinig..

Juana: Tama.. Mali ang akala nyo..
Chrissie: Natapilok lang kami.. Hehe.. (napakamot-ulo) ng sabay..

Jean: Mali ang magsinungaling.. (humarap kina Leslie at Jennifer) Ang totoo nyan ay nakikinig kami..

Rick: Hindi mo na sana kami dinamay..

Jean: Na..Nagagalit po ba kayo sir?! (biglang nalungkot)

Chrissie: Bakit mo kasi dinadamay ang future husband ko?!

Rick: Hindi mo nga ako future husband..

Monique: Narinig mo yun Chris? Wala ka ng pag-asa..
Juana: At isa pa! Humanap ka ng ka-edad mo..

Rick: Ibig mo bang sabihin.. Matanda na ako?!

Jean: (masamang aura) Sinabihan mo ba na matanda si Sir Rick?!

Juana: Wala akong sinabing ganyan!!

Chrissie: (napaluhod sa sahig) Tinanggihan ako ni Rick?!

Monique: Di ba nga.. Wag ka nang umasa..
Chrissie: (napatitig kay Monique) Siguro may gusto ka rin kay Rick noh?!
Sinasabi mo yan para sumuko na ako sa kanya! 
Monique: ANO?!

(nagkagulo bigla)
Jennifer: (tumawa)
Nakakatuwa naman kayo..(napatigil ang lahat)
Monique: Tama ba ang narinig namin?

Chrissie: Tumawa ba si Jennifer?

Leslie: (ngumiti) Sya ang bago kong kaibigan.. Sana kaibiganin nyo rin sya!

(naging masaya ang lahat)

(may pumasok bigla sa pintuan)
"Leslie! May bagong kalaban tayo!!"
No comments:
Post a Comment