Thursday, May 28, 2009

Let him be the a Guy .. Part Tuu !!

Part Two na tayo .. !!

Let Him be the a Guy ..
Part Tuu !!



Pasimula:


Trisha: Les? :/ (hindi pinakinggan) LES?! (hindi pa rin pinakinggan) HOOOY?! :angry:
Leslie: (nagulat) Huh? Anong meron? :paranoid:
Trisha: Kanina ka pa kasi nakatulala at.. (nakatanggap ng message sa cellphone at natahimik) Kailangan ko nang umalis.. Magiging okey ka na ba?
Leslie: (ngumiti) =) Oo naman! Salamat sa pag-aalala.. Mauna ka na.. :D

(umalis si Trisha at lumingon para tignan ulit si Leslie at tumakbo palayo)

Leslie: Hay.. First Love.. First Broken Heart.. :cry: (napabuntong-hininga) Ano na ngayon? (nakakita ng koting sa taas ng puno na tila takot bumaba) Kawawa naman sya.. (inakyat ang puno at kinuha ang koting) Wag ka nang mag-alala.. :) Ligtas ka na.. (nagbalak na tumayo pero nadulas) Ahhhh!! :o (pumikit)
Lalaki: Okey ka lang miss? Hindi ka ba nasugatan?
Leslie: (binuksan ang mga mata at nakita ang lalaki) (sa isip) Doki.. Doki.. Doki.. Ang puso ko!! Eeeep! :/ Para akong prinsesa sa sitwasyon ko! Binubuhat ako ng isang.. (nasabi ng malakas) Magandang nilalang.. (binitawan sya bigla ng lalaki at nahulog sya sa lupa) :disgust: .. B-ba-bakit mo ko binitawan?! Aray! Ang sakit ng likod ko..
Lalaki: Ang bigat mo kasi.. (kinuha ang koting mula sa kamay ni Leslie)
Leslie: (sa isip) Kakainis! Maganda na sana! Teka.. (tinignan ang sarili) Tumataba na ba ako? :/
Lalaki: Ano? Hihiga ka nalang ba dyan.. (tinignan ang orasan) Aalis na ako.. Ako na ang bahala sa koting.. Nasugatan ang kanang paa nya kaya hindi sya makatalon..
Leslie: S-s-salamat.. (tinignan lang sya ng lalaki at umalis na ito) .. Pero ang ganda nya talaga.. Parang.. anghel.. At teka.. Ano bang nangyari kanina? (pinakiramdaman ang puso) Doki.. Doki.. Doki.. :paranoid:

Abangan nyo sana ang Unang Kabanata ng Let him be the a guy : Part Tuu ..

"Bago ko ginawa ang lahat ng ito, hiniling ko.. Let him be the guy for me. Sya na sana..
Pero, iba na ngayon.. Wala na akong pakialam sa sarili ko! Ang importante, mabago ko ang pagkatao nya! Dapat nyang maalala na lalaki sya! LORD! Let him be a guy!!"

No comments:

Post a Comment