Si Leslie ay isa sa pinakamatalino sa skwelahan nila, may mukhang bata na tito at may gusto sa isang gangster, si Nathan. Maling impresyon na ang pinakita nya nung nakausap nya ang first love. May lihim sya: mukha syang lalaki. Isang hapon, nadiskubre nya na may gusto sa kanya si Jennifer, kalaban nya sa pag-aaral. Ngunit, mali pala ang akala nyang pagkagusto kasi.. Pagkakaibigan pala ang gusto ni Jennifer. Tapos, biglang may pumasok sa kwarto nya at sinabing may bagong kalaban sila.
Ikalimang kabanata
Ito ba ang tinatawag na "Broken-Hearted"?
Leslie: T-trisha?! Anong nangyari sa'yo?

Trisha: (tinignan ang sarili na balot ng putik)
Ahhh! (ito ang totoong sigaw) Anong nangyari sa akin?! 
Leslie: Tinanong na kita nyan.. Pero teka! Anong kalaban? Anong pinagsasabi mo?

Trisha: (pinupunasan ang sarili) K-kanina! Ahmm.. Isang.. Isang babae..
Leslie: Eh? Nakakita ka na naman ng mas maganda sa'yo?

Trisha: Hahar! (pikon)
Tignan nalang natin kung makakapag-biro ka pa kung malaman mo na may kasamang babae ngayon si Nathan!Leslie: (nanlaki ang mata) HA?!!!

-
Jennifer: Sigurado ka ba na okey ka na, Leslie? Kakagaling mo pa lang..

Leslie: (hindi nakinig) Hindi ako makapaniwala..
(pabulong na galit)Jennifer: (kay Monique) Okey lang ba si Leslie?
Monique: (nakangiti lang na tinignan si Jennifer) Hindi ako makapaniwala..

Jennifer: (kay Chrissie) Anong nangyayari kina Leslie at Monique?
Chrissie: (may dalang panyo) Hindi ako makapaniwala!!!
(galit na sigaw)Jennifer: (kay Jean) Ahmm.. Jean..
Jean: (tinignan ang isang papel) Hindi ako makapaniwala!

Jennifer: (kay Trisha) Trish? Ano bang nangyayari?
Trisha: (iba ang tingin kay Jennifer) Hindi ako makapaniwala...

Jennifer: (napabuntong-hininga at tinignan si Juana) Ikaw?
Juana: Ako?

Jennifer: Hindi ka rin makapaniwala?
Juana: Huh? (tinignan ang orasan) Self-study hour na pala ngayon..Aalis muna ako..

Leslie: Trish! (pinalo ang desk) Anong klaseng babae ba yung kasama ni Nathan? Hindi ako makapaniwala na may kasama syang babae.. Nagkasakit lang ako tapos!

Trisha: Les! (pinalo rin ang desk) Hindi ako makapaniwala na magkaibigan na kayo ni Jennifer! Akala ko.. Hindi kayo bati..

Monique: Hay.. Ang dalawang pinakamatalino sa skwelahan.. Kaibigan ko sila! Hindi ako makapaniwala sa nangyayari sa akin..
(biglang sumayaw)Chrissie: Hindi ako makapaniwala na tinanggihan nya ako! AKO?! Ako na napakayaman.. (kay Leslie) Bakit, Leslie?! Bakit?!
(umiyak)Jennifer: Kaya pala! Ngayon naiintindihan ko na pero.. (napatingin kay Jean) Anong nangyari sa'yo?

Jean: (nakangiti)
Nalaman ko kasi na may bagong tinuturuan si Sir Rick! Panibagong impormasyon na naman to sa scrpbook ko!Jennifer: (nanlaki ang mata at naisip)
Ano bang nangyayari sa kanya? Talagang stalker nga sya ng tito ni Leslie.. Teka.. (lumingon kay Leslie pero wala na sya) Leslie?! (kay Monique) Nakita mo ba kung saan si Leslie?Monique: Si Leslie? (tumingin sa paligid) Hindi ko alam..

Chrissie: Uwaaaaa!! * sniff *

-
(nasa labas ng school building sila Trisha at Leslie.. Tinitignan nila ang kabilang school, ang EWABA)
Trisha: Itaas mo pa nga Leslie! Hindi ko pa rin makita!!
Leslie: Ano bang sinasabi mo?! Ang bigat mo! At bakit ikaw lang ang pwedeng makakita?!
Trisha: Kasi maganda ako..
Leslie: (rolling eyes)
Oo nga naman.. Nakikita ko ang logic.. (nabibigatan at nahulog) Ahhhh!! (normal na ang sigaw nya)Trisha: Agh! Tignan mo ang ginawa mo! Nadumihan na ako!

Leslie: Tignan mo naman ang ginawa mo!
Nabali ang mga buto ko!!Jean: Huh? Anong ginagawa nyo dito? (nasa puno at may dalang telescope)
Juana: (nasa likod ng puno, natutulog) Ang ingay nyo naman.. * yawn *

Jennifer: Nandito ka lang pala, Leslie.. at Trisha, at Jean.. At Juana?

Monique: (sumunod kay Jennifer) Nandito ang lahat! Ang dalawang pinakamatalino.. Ang pinakamaganda.. Ang pinakatamad at pinaka-stalking stalker..

Leslie, Trisha, Jean, Juana: (sa isip) at pinakabobo..

Jennifer: Bakit kayo nandito?
Juana: Natutulog..
Jean: Ang totoo.. (tinignan kung nasa paligid si Chrissie) Ang totoo.. tinitignan ko si Sir Rick..
Leslie: (nakabukas ang bibig)
G-ganun ka ka-obsessed sa tito ko?Monique: (kay Leslie) Eh, kayong dalawa ni Trisha?
Leslie: Ha? Eh?

Jean: Marahil tinitignan nila si Nathan..

(nanigas sila Trisha at Leslie)

Trisha: H-h-hindi noh!!
Leslie: K-k-kasi.. Ahm..
Jean: Masama ang magsinungaling..

Jennifer: Tinitignan nyo ba kung may kakaiba sa kinikilos ni Nathan? Kung talagang may girlfriend na sya..

Leslie: Ha.. Ah.. H-hindi.. Kasi.. Ano kasi..
Monique: Kunwari pa kayo..

Juana: Itanong nyo nalang kaya sa kanya..
Trisha: Nagpapatawa ka ba?! Baka sabihin ni Nathan na may gusto kami sa kanya at nag-aalala kami..

Monique: Di ba yun naman talaga ang totoo..

(nag-ring na ang bell)
Juana: Grr! Nakakainis naman kayo! Ayan tuloy! Tapos na ang self-study hour natin.. Kailangan na natin bumalik.. Amph!

-
(huling klase na nila Leslie at nag-didiscuss ang guro)
Trisha: (bumulong kay Leslie) Maghintay tayo sa labas ng gate para tignan..
Leslie: (bumulong rin) Sa tingin mo ba? May girlfriend na talaga sya?
Trisha: Nakita ko sya na may kasamang babae, kayakap nya! At mukhang magka-edad lang sila.. Tapos ang sweet naman nila para maging magkapatid di ba?
Leslie: Argh! Nakakainis talaga
(napalakas)Guro: Trisha! Leslie! Anong ginagawa nyo dyan?!
Leslie: W-wala po..
Jean: (bumulong kina Leslie at Trisha) Pero alam nyo ba..? Napansin ko kanina habang binabantayan ko si Sir Rick, laging nakatingin si Nathan sa orasan.. Para bang nagmamadaling umalis..
Trisha: HA?!

Guro: Ano bang nangyayari sa inyo dyan?!
Trisha: Ahmm.. W-wal..
Guro: Kayong dalawa.. Leslie at Trisha.. Mananatili kayo sa classroom para maglinis! Yan ang parusa nyo! Di ba alam nyo na school rule number 5 ay bawal mag-usap habang nagkaklase?!
(natahimik lang ang dalawa)
-
Trisha: Argh! Panu na ngayon yan?! Panu natin malalaman kung may girlfriend na talaga si Nathan?
(nagpupunas ng bintana)Leslie: (nakita ang telescope ni Jean) Kung di tayo makalapit, edi tignan nalang natin sa malayo
(ngumiti)(binitawan nila ang mga cleaning materials at pumunta sa bintana)
Trisha: Ano? May nakikita ka ba?
Leslie: Teka.. Hinahanap ko pa sya.. (tumigil sa isang direksyon at natahimik)

Trisha: Uip! Ano na? (kinuha ang telescope mula kay Leslie) ... So, totoo pala..
(tinignan si Leslie at inakbayan) Hoy! Marami pa namang lalaki dyan..Leslie: (mat tumulong luha)
Naniniwala ka ba sa kasabihang "First Love never dies"?Trisha: (natahimik) ..Si-siguro..

Ano bang nakita nila Trisha at Leslie?
May kakulitan si Nathan na babae sa labas ng gate.. Sweet silang tignan at biglang niyakap ni Nathan ang babae nang mahigpit.. Ang saya nilang tignan..
Kung hindi nyo pa alam..
Hindi naman talaga totoong may gusto si Trisha kay Nathan.. Malalaman nyo ang totoong storya ni Trisha.. Sa mga susunod na kabanata!
Ito ang huling kabanata ng Part One ng Let him be
No comments:
Post a Comment