Isang estudyante ng BCAGA (Blossom Comprehensive All Girls Academy) si Leslie: isa sa dalawang pinakamatalino sa buong skwelahan (ang isa ay si Jennifer), may tito na sobrang gwapo at ang bata tignan, at may gusto sa gwapong si Nathan! Nalaman nya na kasali pala sa gang si Nathan. Ngunit hindi yung ang problema nya: Mali ang first impression ng first love nya..
Pangalawang Kabanata
Ang Lihim Nya ! Part One ..
Leslie: Ayoko na! Nakakainis! Bakit ba to nangyayari sa akin?! Ano ang kasalanan ko?!!

Rick: Pwede ba Leslie?
Gumagawa ako ng test para bukas! Bigyan mo naman ako ng konting katahimikanLeslie: (napatitig sa tito nya) Sana gawin mo rin yan sa buhay ko!

Rick: Anong ibig mong sabihin? (nagsusulat)
Leslie: Ewan ko sa'yo!
(sa isip) Masaya na sana ako at gwapo ang lahi ng papa ko! Ang problema nga lang, inaabala na ako nito! (kinausap ang tito) Binasa mo na ba yung letter na binigay ko?Rick: Letter? Anong letter?
Leslie: (napatitig nang masama) Tito~!!
Rick: Huh? Wala ka namang binigay sa akin!!

Leslie: Kahapon, may inabot ako sa'yo. Ang sabi ko basahin mo, di ba? Anong ginawa mo dun?!
Rick: (napaisip at biglang pinawisan) Y-y-yun b-ba?
Ahmm.. Ang lamig noh (pinunas ang pawis at ngumiti sa pamangkin)Leslie: Ang lamig nga noh? Eh, bakit ga-butil ang pawis mo?
(kinagat ang labi na pinapakita ang galit)Rick: A-alam mo? (tumayo at aaktong aalis) May niluluto pa pala ako.. He..Hehe..

Leslie: Hindi ka marunong magluto. Tinagurian ka pa namang guro pero napakabobo mo sa pag-gawa ng palusot.. (pinigilan si Rick) .. Saan.. mo.. nilagay.. ang sulat?

-
Leslie: (nanlaki ang mata at nakabukas ang bibig) A-anong.. A-..B-ba-

Rick: Eh, kasi..

Leslie: (tinignan ang tito) A-alam mo ba kung magkano ang ginamit na papel sa sulat na yun?

Rick: Aba, ma-

Leslie: (hinarap ang tito sabay hawak sa mga balikat) Isang daang libo! Ang ama ng kaklase ko na may gusto sa'yo ay may-ari ng pinakamalaking pagawaan ng papel sa buong mundo!! Ganun sya kayaman!! At anong ginawa mo sa mamahaling papel na yun?! Ginawa mo lang tissue!!!! (sobrang galit)

Rick: Panu naman kasi.. Nung binigay mo yun, gusto ko nang pumunta sa C.R.. Nakalimutan kung magdala ng tissue kaya..

Leslie: TITO!!!
(Tumakbo si Rick habang hinahabol sya ng pamangkin)
Rick:
Alam mo, Leslie! Hindi ka lang mukhang lalaki! Astang lalaki ka pa (napatigil) Argh! Nakalimutan ko!!! (kinagat ang labi at hinarap ang napatigil na si Leslie) 
Leslie: (sobra ang galit) L-la-lalaki?! Tinawag mo akong lalaki?! HUH?!
(mabilis ang pagtakbo at nahuli ang tito) Sa lahat ng ayoko.. Ang tinatawag akong lalaki o gwapo o pogi ang pinaka-ayaw ko!! 
Rick: Tulungan nyo ko mga kapit-bahay!! Child Abuse!!

Leslie: Child Abuse ha?! Sinong child?!! Kakasuhan kita ng Verbal Abuse!!

(nakawala si Rick at naghabulan ang mag-tito)
-
Leslie: Kasali sa lahi ng mga gwapo ang papa ko. Walang matuturing na pangit sa angkan nila. Sa kasawiang-palad, kasali ako sa hindi maituturing na pangit dahil ako ay tulad nila, gwapo!
Bata pa lang ako.. Lagi na akong nilalapitan ng mga babae. Palagi nilang sinasabi na gwapo daw ako.. Dahil nga babae sila, nagtitimpi nalang ako.
Ang nakakainis ay tinuturing rin ako na lalaki ng mama ko. Laging ginugupit ni mama ang buhok ko kasi ang cute ko daw. At ang sabi nya, naaalala nya si papa tuwing tinitignan nya ako. Magkamukha daw talaga kami. Hinahayaan ko nalang sya dahil alam ko na miss na nya si papa. Hindi ko na nakita ang papa ko. Nadisgrasya kasi ang sasakyan nya nung nasa tyan pa ako ni mama. Tuwing nakikita ko ang picture nya, nakikita ko ang sarili ko. Talagang magkamukha nga kami!
Nagbago ang lahat nung tumungtong na ako ng Grade Three.. Dito ko nakilala ang kapatid ni papa na si Rick. Sa unang tingin, hindi ko masasabi na mas matanda pala sya kay papa. Iniwan ako ni mama kasi kailangan daw nyang mag-trabaho sa malayong lugar. Ang naaalala kong huling sinabi nya ay: "Isa kang babae Leslie!"
Simula nung umalis si mama, hindi ko na pinutol ang buhok ko. Pinanghawakan ko ang sinabi nya na ako ay babae. Nung nasa high school na ako. Nakita ko si Nathan. Tahimik sya pero ang astig ng dating. Doon ako unang nagmahal.
Talking Alarm Clock: Giiissssinnng !!! Leslie !!! Giiiissssinnng !!
Leslie: (kakagising)
Eh? Anong nangyari? (sinampal ang sarili para magising) Nanaginip na naman ako! (tinignan ang paligid) Teka! Nasan na yung lokong tito ko?!! 
Ang unang lihim ko .. Isa akong babae na mukhang lalaki ..
No comments:
Post a Comment