Si Leslie ay isa sa pinakamatalino sa BCAGA, may mukhang-batang tito at umiibig kay Nathan na kasali sa isang gang. Unang pag-uusap pa lang nila ng first love nya, maling impresyon na ang pinakita nya. Nang naka-uwi na sya sa bahay, nalaman nya na hindi binasa ng tito nya ang love letter na binigay ng kaklase ( refer to Tsapter Wan ).. Habang naghahabulan ang dalawa, hindi sinasadyang banggitin ng tito nya na sya ay parang lalaki.. May lihim kasi sya.. Mukha syang lalaki lalo na kung maikli ang buhok nya..
Ikatlong Kabanata
Ang Lihim Nya .. Part Tuu !
( tinatawag ring .. Misteryo ni Jennifer )
Monique: May problema ba Leslie?
Hindi maganda ang ayos mo kaninang umaga pa.. Natulog ka ba?Leslie: Ha? (napakamot-ulo) Oo naman!
Siguro dahil masyado akong nag-aalalaJuana: Nag-aalala saan?
Leslie: Tungkol sa sul- (nanlaki ang mata nang nakita si Chrissie) Sul..Sul.. Sulitin na natin ang oras! Mag-aral na tayo! Hehehe.. (tinaas ang kamay para ipakita na masaya)
Monique: Okey ka lang, Leslie? Lunch break pa! Ganun ka ba talaga ka-pursigido mag-aral?
Juana: Hayaan mo na sya.. Siguro para hindi sya matalo ni Ms. Tahimik..
Monique: Si Jennifer ba ang tinutukoy mo? Sa bagay.. Pero, nakapagtataka hindi ba? Masyado syang tahimik.. Kung magsasalita siguro sya sa mga Oral, malalampasan nya siguro si Leslie..
Leslie: * ahem * (sa isip) Nandito pa ako.. Wag nyo naman akong takutin ng ganyan.. Hmm.. (napa-isip) Sa bagay, may punto si Monique.. Perfect kaming dalawa lagi sa mga quizzes at tests.. Ang lamang ko lang sa kanya ay Oral..
Monique: Hala!
Napa-isip sya! Wag kang mag-alala Leslie.. Isipin mo nalang na mas matalino ka sa akin..(Napatitig sila Leslie at Juana kay Monique) o___O
Leslie: S-s-salamat .. (sa isip) Kahit sino naman ata sa class natin mas matalino sa'yo.. Hay..
-
* Shaaa *
Leslie: Eh? Umuulan? (tinignan ang bag) Agh!
Nakalimutan kong magdala ng payong.. Panu na 'to? (tumingin sa labas) Bahala na!(tatakbo na sana sya nang biglang may pumigil sa kanya)
Jennifer: Share nalang tayo..

Leslie: T-t-ta-tayo?
Jennifer: (tinignan si Leslie na walang emosyon) May.. problema ba dun?
Leslie: W-w-wala..
(naglalakad sila Leslie at Jennifer)
Leslie: (sa isip) A-anong sasabihin ko? Napakatahimik naming dalawa.. (kinausap si Jeniffer) Ah, salamat ha?
Jennifer: (nakangiti) Ang saya ko!
Leslie: (nanlaki ang mata) Ha? B-bakit?
Jennifer: Dahil kasama kita ngayon!
Leslie: (nanlaki lalo ang mata) A-a-anong.. Anong ibig mong sabihin?
Jennifer: (tumigil bigla) A-alam mo.. (binitawan ang payong at niyakap bigla si Leslie) GUSTO KITA !!
o____O
-
Jennifer: Mula pagkabata, tahimik na talaga ako. Puro kami babae sa pamilya namin.. Iniwan kami ni papa.. Hindi na daw nya kaya ang mama ko. Nag-divorce sila at naging principal si papa sa katabing school, ang EWABA.. Simula nun, sinasabihan kami ni mama na: "Wag nyong pagkatiwalaan ang mga lalaki"
Ang lagi ko nalang pinapasukan ay all girls schools.. Sa BCAGA ako napunta.. Ang mama ko ang principal at may-ari ng academy na ito.. Nakuha ko ang galit ko sa mga lalaki mula kay mama.. Ang sabi ko sa sarili ko.. "Hindi ako magmamahal ng lalaki"..
Nung pasukan na para sa high school, nakilala ko sya.. Leslie Virtuna.. Kung maikli ang buhok nya.. Kung hindi sya nakasuot ng skirt..
-
Jennifer: "GUSTO KITA !!"
Leslie: EH?!! (sobra ang pagka-gulat)

Pangawalang lihim .. May gusto si Jennifer kay Leslie ..
No comments:
Post a Comment