Let Him be
Tweeng !
Pasimula ..
Leslie : Kasalanan na pala ngayon ang umibig?
Rick : Hindi kasalanan ang umibig.. Ang kasalanan mo ay.. umibig ka sa isang tao na ayaw ka!
Leslie : Problema ba yun? Darating naman ang panahon na iibigin nya rin ako!
Rick : (pabulong) Mangarap ka..
Leslie : May sinabi ka, Tito? (nang-iinis)
Rick : Pwede ba? Wag mo kung tatawaging tito kasi parang kuya mo lang ako! Tatanda ako nyan eh!
Leslie : (pabulong) Matanda ka naman talaga eh.
Rick : May sinabi ka, Pamangkin? (naiinis)
Leslie : Wala po Kuya! Aalis na po ako kasi baka tumanda ka pa lalo! (tumakbo agad)
Rick : Sinong matanda? Ang batang ito talaga! Makakain nga muna! Talaga nga naman! (tumayo papuntang kusina)
Pumasok si Leslie sa kwarto nya at humarap sa salamin..
Leslie : (kinakausap ang sarili) Mamahalin ka rin nya, Leslie! Mamahalin ka rin nya!
STORYA:
Si Leslie Virtuna ay isang 15 year old na high school student ng "Blossom Comprehensive All Girls Academy". Ulila na sya sa ama at iniwan ng kanyang ina para sa trabaho kaya kasama nalang nya ang kapatid ng papa nya na mukhang bata, si Rick Virtuna. Ang babaeng ito ay may gusto kay Nathan Guillares, isang gwapong lalaki na nag-aaral sa katabing all boys school, ang "East Warriors All Boys Academy". Ang pinakamatinik nya na kalaban sa puso ng iniibig ay si Trisha Canete, isa sa pinakamaganda at sikat sa skwelahan nila. May misteryosa rin syang kalaban sa pag-aaral nya, si Jennifer Aduelo. Sa limang taong ito magsisimula ang kwento. ^^
Unang Kabanata
Ang Pagtatapat
Classmate 1: Uy! Leslie! Di ko maintindihan ang tinuro ni Ma'am kanina! Paturo naman o! (<--- Nagpapaturo ng Basic Math)
Classmate 2: Les! Nabigay mo na ba yung love letter na pinabibigay ko sa'yo? Ano ang sabi ng tito mo? Les! Sabihin mo na! 9 (<--- Trying hard na suitor ng tito nya)
Classmate 3: Leslie! Gawin mo naman ang assignment ko o! Nagmamadali lang talaga ako! Magpapaturo ako sa'yo bukas ha?! Salamat! (<--- Tamad)
Classmate 4: Leslie! Ano kulay ng ballpen ang gustong gamitin ng tito mo? Blue, red, black o white? (<-- Stalker ng tito nya)
Leslie: (nangungusap sa isip nya) Heto na naman po tayo! Palagi nalang ganito. Pagkatapos ng klase, lalapitan na ako ng mga classmates ko para tanungin ako tungkol sa leksyon o di kaya sa tito ko. Teka, may white ba na ballpen?

THUD! (May pumalo ng desk)
Trisha: (Pasigaw) Palagi nalang bang ganito Leslie Virtuna?! Nakakaabala ka na sa classroom na ito.

(Ang totoo: Lahat, maliban sa kanya at ni Jennifer, and nangaabala kay Leslie)
Leslie: Pasensya na po! (nangungusap na naman sa isip) At heto naman ang agaw-eksenang si Trisha! Wala naman akong ginagawa pero inaaway pa rin ako.. Hay naku!
Classmate 2: Ano bang problema mo, Trisha?! Importante ang pinag-uusapan namin ni Leslie. Tungkol ito sa kinabukasan ko at future husband ko!
Leslie: (sa isip) Future husband?! Eww!

Classmate 1: Mas importante pa ang pinag-uusapan namin! Tungkol ito sa Adding 3 digit numbers! Nakasalalay ang pag-graduate ko!
Leslie: (sa isip) Hindi ako makapaniwalang nakapasa sya sa high school!

Classmate 3: Aalis na ako! Bahala na kayo dyan! Basta ako, hindi ko inaabala si Leslie, hindi ba?
Leslie: (sa isip) Hindi nga. Ever since first year, ako lang naman ang gumagawa ng assignments mo... Di naman yun abala!

Classmate 4: Alam ko na! Mas gustong gumamit ng lapis ni Sir Rick, di ba?
(Natahimik ang lahat)

(Tinakpan ni Leslie ang mukha)
Jennifer: (tumingin sa orasan) Di pa ba kayo aalis? Tapos na ata ang klase ng katabing school..
Leslie: (Napatulala at nangungusap sa isip) Tapos na?!
Kailangan ko nang umalis! (kinuha ang bag at tumakbo)Classmate 1: (hinarang si Leslie) Teka, Leslie! Di mo pa ako tinuturuan!
Classmate 2: (hinarang din sya) Naiinis na ako! Ano ang sabi nya?!
Classmate 3: (tumakbo palabas) Nakalabas na ang pinakamamahal ko! (<--- May boyfriend sa East Warriors All Boys Academy)
Classmate 4: (kinakausap ang sarili) Lapis ba? Baka naman mas gusto nyang mag-computer nalang.. Napaka-misteryoso mo talaga Sir Rick!
Leslie: (sumisigaw sa isip) TULONG!!!! (nakita si Trisha na marahang lumalakad papunta sa pintuan na para bang iniinis sya) May araw ka rin!!
-
Naglalakad si Leslie sa park habang nagmumuni..
Leslie: (pabulong) Nakaalis na silang lahat. Nakaalis na rin siguro si Nathan. Minsan ko na nga lang sya makita tapos ganito pa ang nangyayari.
Ever since first year, sya lang ang tinitibok ng puso ko. Kung magkakaroon lang talaga ako ng pagkakataon na sabihin sa kanya na mahal ko sya, sasabihin ko talaga ito sa kanya (tumigil at sumigaw) MAHAL KITA, NATHAN GUILLARES!!Nathan: (nakaupo sa isang bench) Nakakatawa naman. May gusto ka pala sa isang taong kapangalan ko..
Leslie: (napalingon at kinausap ang sarili)
Please! Sabihin nyo na namamalikmata lang ako! Sabihin nyong hindi si Nathan ang kumakausap sa akin..Nathan: (tumayo) Alam mo kasi.. Nathan Guillares rin ako. Maaari ko bang makilala ang kapangalan ko na mahal mo?
Leslie: Ha? (tumalikod at kinausap ulit ang sarili) Nagbibiro ba sya?! Ang Nathan Guillares na tinutukoy ko ay sya! (napaisip) Pero, teka.. (tinignan ulit si Nathan) Mukhang hindi nya talaga alam na sya ang tinutukoy ko! (kinausap si Nathan) Alam mo kasi.. Nasa ibang lugar sya ngayon. Kaya ako.. Ahmm.. sumigaw.. kasi.. Ahmm.. Para marinig nya ako! (napangiti na para bang nagmumukhang baliw)

Nathan: Ganun ba? (nag-ring ang phone) O! Anong balita? (biglang naging astig ang boses) Magkita nalang tayo dun! Siguraduhin nyong bugbug sarado sila!
Leslie: (napalunok) S-s-sino yun?
Nathan: Ah? Yun? Kasama ko sa gang namin. Alam mo? Napanatag ako nung nalaman ko na hindi ako yung tinutukoy mo. (lumapit sya kay Leslie at binulong) Ayaw ko kasi sa mga babaeng maingay.
Leslie: (napalunok ulit at umubo) O..Oo nga noh? He..He.. Buti.. Buti di ikaw yun kasi.. (sinuntok ang hangin) Baka.. Hehe.. (pinagpapawisan)

Nathan: Nice meeting you! At sana magustuhan ka rin ng kapangalan ko! (umalis)
![;]](http://friendstertalk.com/img/smilies/slywink.gif)
Leslie: Ha..Haha..Hahaha (pabulong) Malabo na yung mangyari..





No comments:
Post a Comment