Tuesday, June 2, 2009

Bagong Kwento sa Papel

May bagong storya sa Papel at Lapis .. Gusto ko kasing subukan ang drama ngayon ..


Ang kwento ay tungkol sa buhay ng isang dalaga na gustong ipakita sa mundo na dapat pahalagahan ang buhay na binigay ng Diyos. Nahulog nya ang diary nya at napulot ito ng isang mag-aaral ng medisina. Sa loob ng diary ay ang mga pinagdaan nya bago pa nya natuklasan ang isang malaking problema sa buhay nya. Haharapin nya ang iba't-ibang pagsubok habang binabago nya ang pagkatao ng mga taong nasa paligid nya.

Nadine - anak sya sa labas at naninirahan kasama ang papa, stepmom at stepsister nya. Magaling sya sa paggawa ng storya pero halos mahina sa ibang bagay. Ang 15 year old na dalagang ito ay masayahin at palaging nakangiti kahit inaapi na. Isa syang maka-Diyos na tao at laging sinasabi na : "Napakabait ng Diyos dahil binigay nya ang pagkakataong ito!"

Brandon - isang matalinong binata na napilitang kumuha ng medisina dahil sa papa nya. Hindi nya alam kung ano talaga ang gusto nya sa buhay kahit na 20 years old na sya.

Danielle - stepsister ni Nadine na palaging umaaway sa kanya. Halos magaling sya sa lahat ng bagay pero masyadong suplada. Hindi sya marunong magsabi ng totoong nararamdaman

Steven - papa ni Nadine. Isa syang mabait na negosyante. Sya lang ang nagtatanggol kay Nadine kapag inaaway na sya sa bahay.

Francis - sya ang unang pag-ibig ni Nadine. Hindi man nya pinapakita pero may gusto rin sya sa dalaga.

Hannah - stepmom ni Nadine. Malaki ang galit nya sa mama ni Nadine kaya palagi nalang nyang sinisigawan ang dalaga pero ang totoo ay mabait talaga sya.

Angela - matalik na kaibigan ni Nadine. Sya ang nagtatanggol kay Nadine kapag may umaaway sa kanya sa school.

Jodel - sya ang palaging nagpapatawa kay Nadine. Masaya sya kapag nasa paaralan pero ang totoo ay marami syang problemang hinaharap.

Sana abangan nyo ang bagong kwentong ito ..

Oo nga pala ! Ang pamagat ng kwentong ito ay " Huling pagkakataon "

No comments:

Post a Comment